Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee gusto nang umuwi

0 355

DAHIL sa pinost na seksing litrato ni misis, biglang napaisip na umuwi na ng bahay si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Sa Instagram story ng ‘Angas ng Tondo’ nitong Martes, pabiro niyang sinabing gusto na niyang umuwi nang maantig sa pinadalang sexy picture ng kanyang kumander na si Rubie.

Ibinahagi kasi ng kanyang misis ang photo na naka-nursing bra lang na may `#padedemom’ pero kaaya-aya pa rin ang kurba kaya biglang napaisip na bumalik na ng tahanan ang 31-year-old, six-footer combo guard.

Nakakulong siya ngayon sa Bubble sa Clark Freeport Economic Zone sa Pampanga para sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations restart na magsisimula na sa Linggo, Oktubre 11.

“Ay wait, pauwi na ako mommy,” caption ni Lee. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.