Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee, Hotshots tutuka vs Bolts

0 60

Mga laro ngayon (DHVSU, Bacolor)
12:30 pm – Blackwater vs. TNT
3 pm – Terrafirma vs. SMB
6 pm – Meralco vs. Magnolia

Itataya ng Magnolia Pambansang Manok (4-0) at TNT (3-0) ang malinis na kartada sa umpisa ng PBA Philippine Cup re-start sa Bacolor, Pampanga ngayong araw.

Unang papagitna sina Jayson Castro, Poy Erram, Troy Rosario at Tropang Giga kontra winless sa four games na Blackwater alas-12:30 nang tanghali.

Susundan ng TNT ang 84-80-win sa Phoenix noong Aug. 1, huling laro bago sinuspinde ni commissioner Willie Marcial ang matches sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Huling nilampaso nina Paul Lee, Ian Sangalang, Marc Barroca, Calvin Abueva at Hotshots ang Dyip 105-83 noong July 30.

Toka ng Magnolia ang Meralco (4-1) sa nightcap ng 6 pm sa Don Honorio Ventura State U.

Itatagay din nina Chris Ross, Arwind Santos, CJ Perez at Beermen (3-1) ang pang-apat na sunod na panalo laban sa Terrafirma (0-4) sa three o’clock second game. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.