Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Hyori lalayasan sina Rain, Yoo Jae Suk

0 309

Nag-breakdown ang South Korean singer at host na si Lee Hyori sa programang ‘How Do You Play?’ ng MBC . Ito’y habang nagpi-prepare sila ng magiging debut song nila. Kasama niya sina Yoo Jae Suk at Rain. Bahagi ito ng konsepto ng show.

Obviously, naging malaking impact din kay Lee Hyori ang recent controversy involving her and Girls Generation na si Yoona.

Kamakailan lang ay nag-IG Live sila na nasa isang karaoke bar.

Nire-require kasi sa South Korea na umiwas muna magpunta sa mga public places lalo na kung gigimik lang.

Mas may pagkokondena ang publiko sa mga celebrities na dapat nga raw ay mag-set ng good example lalo na at malakas ang influence nila.

Habang nagpa-practice para sa kanilang debut single, biglang umiyak si Hyori. To the point na sinabi nitong magli-leave na lang siya at palitan na lang daw siya.

Nagpapaalala kasi si Yoo Jae Suk na maging careful daw sila bago ang kanilang debut.

Biglang sumagot si Hyori at hindi napigilang maging emotional. Aniya, “I’ll be careful.”

Sabi pa niya, “I should leave the group. You should get someone else.”

Pero hindi ito tinanggap ng dalawa. Sinabi na lang nila na kung hindi gagawin ni Hyori, hindi na rin sila kukuha ng kapalit.

“I was too excited. I should stop being Linda G. I shouldn’t cause so much trouble for the team. I was too thoughtless,” lahad pa rin ni Hyori.

Pero sabi naman ng dalawa, tao lang din daw si Lee Hyori na nagkakamali. At in fairness naman kina Hyori at Yoona, parehong naglabas ng kanilang mga public apology sa nagawa nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.