Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee ipapagpag injury sa balikat

0 43

Semis Game 4 ngayon: (DHVSU, Bacolor)
3:00pm — Meralco vs Magnolia
6:00pm –TNT vs SMB

AGAD nagtamo ng injury si Paul Lee sa unang minuto ng laro habang hindi agad natapatan ni Calvin “The Beast” Abueva ang ibinuhos na enerhiya ng Meralco Bolts sa krusyal na Game 3 ng kanilang sariling best-of-seven na serye sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Kaya naman umaasa si Magnolia Hotshots coach Chito Victolero na sa pagbubukas pa lamang ng Game 4 ganap na 4:35 ngayong hapon ay mas mataaas pa na boltahe ang ilalatag ni Abueva gayundin si Lee upang muling pamunuan ang Hotshots na makamit ang ikatlong panalo at lumapit nang husto sa inaasam na pagbabalik sa kampeonato.

“Not the time to panic, but it’s the time to have that sense of urgency na we need to go back to our system, kung ano nagdala sa amin dito sa semis,” sabi ni Victolero, na inalis ang agam-agam sa injury sa balikat ni Lee sa simula pa lamang ng huling laban.

“Siguro we need to match ‘yung will to win and aggressiveness nila,” sabi ni Victolero. “Kaya we need to try and refocus again and we need to bounce back hard. We expected the best game of Meralco in Game 3 because of what’s at stake for them. Pinag-usapan nga namin ‘yun sa pre-game.”

Nagtala si Lee ng team high 18 puntos habang may 15 puntos si Ian Sangalang at 12 puntos kay Abueva.

Subalit hiindi ito naging sapat para sa Hotshots na makamit ang ikatlong panalo kahit nasa harap nito ang bentahe na kulang na sa importanteng miyembro ang kalabang Bolts.

“Ang mahirap, hindi namin natapatan ‘yung kanilang aggressiveness saka will nila,” sabi pa ni Victolero. “Pero I expect na we can and will avoid that sa Game 4.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.