Abante Tonite Interactive

Lee Jong Suk at Bae Suzy tuloy ang romansa off-camera

Harutan nang harutan

By
3,383

KAHIT tapos nang umere ang SBS drama na While You Were Sleeping na pinagbibidahan nina Lee Jong Suk at Bae Suzy, hanggang ngayon ay pinag-uusapan at marami pa rin ang kinikilig sa na­ging chemistry nila.

Marami ang natuwa nang muli silang makitang magkasama sa nakaraang 2017 SBS Drama Awards.

Silang dalawa ang itinanghal na 2017 SBS Best Drama Awards Best Couple dahil sa pagganap nila bilang sina Nam Hong Joo at Jung Jae Chan.

Sa kanilang speech, pareho nilang pinasa­lamatan ang isa’t isa. Bagama’t biro ang sinabi nila sa emcee na si Shin Dong Yup na habang ginagawa nila ang While You Were Sleeping ay may feelings daw na na-deve­lop sa kanilang dalawa.

Pag-amin na nga ba na na-in-love o in-love si Jong Suk kay Suzy (na kamakailan lang ay kinumpirma ng ma­nagement nilang pareho ni Lee Min Ho na break na nga) dahil sa sagot nito sa emcee kung na-in-love raw ba talaga tulad ng role niya?

Ang sagot ni Jong Suk, “Suzy is the most beautiful woman in ­Korea. I fell in love from time to time.”

Ayon naman kay Suzy, “Because Jong Suk oppa is so good looking, I could really immerse myself in the role.”

Hanggang sa backstage raw ay sweet-sweetan ang dalawa na ni-reveal ng SBS Entertainment News Hanbam.

Hmmm… may chance nga kaya na isa sina Jong Suk at Suzy sa mga kahit ­tapos na ang drama on-screen ay ­posible pa ring mag­tuloy-tuloy ang romance off-screen?

Sa isang banda, disbanded naman na ang grupong miss A na kinabibilangan ni Suzy kasama sina Fei, Jia at Min. Pero kahit wala na ang girl group nila, mananatili pa rin siya sa JYP Entertainment.

Noong January 1 ay pumuntang Los Angeles si Suzy para mag-shoot ng kanyang music video para sa kanyang solo album. Bukod sa pag-arte, naunang nakilala si Suzy bilang isang Korean singer. Ang comeback album niya ay ang kanyang kauna-una­hang solo album simula nang ma-disband ang miss A.