Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Jong Suk bagong babae si Yoona

0 93

Ngayon pa lang, ang init na ng anticipation ng mga k-drama fans sa bagong tambalan nina Lee Jong Suk at Yoona sa pagsasamahang drama.

Kumpirmado na ang tambalan nila sa “Big Mouth.” Ipalalabas ito sa July sa MBC network.

Teaser pa lang ng story ng Big Mouth ay promising na.

Gagampanan ni Jong Suk ang karakter na si Park Chang Ho, isang third-rate lawyer with a 10 percent success rate.

A third-rate lawyer who winds up in charge of a murder case that turns him overnight into a genius conman known as “Big Mouse.” At para maprotektahan niya ang kanyang pamilya, kailangan niyang maka-survive. At para makaligtas, kailangan niyang i-expose ang isang malaking conspiracy among the privileged upper classes.

Bongga rin ang production behind the drama. Nandiyan ang “Vagabond” writers na sina Jang Young Chul at si Oh Choong Hwan ng “Hotel Del Luna,” will be working as the director.

Si Yoona ang gaganap bilang si Go Mi Ho, isang nurse at Misis ni Park Chang Ho’. Bukod dito, star-studded din ang line-up with Kim Joo Heon as Choi Do Ha, Ok Ja Yeon as Hyun Joo Hee, Yang Kyung Won as Gong Ji Hoon at Kwak Dong Yeon bilang si Jerry.

At ang pangako nga ng bumubuo ng production, “Since viewers have waited a long time, we will work hard so that the project doesn’t disappoint their expectations, so please look forward to it a lot.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.