Abante Tonite Interactive

Lee Jong Suk may paandar sa ‘Pinas

By
187

tonite-annyeong-rose-garciaKagabi, August 27 nag-pilot ang Korean drama na ‘While You Were Sleeping’ sa primetime ng GMA 7. Ipinalabas ito sa SBS mula September hanggang November 2017.

Pinagbibidahan ng mga sikat na South Korean stars na sina Lee Jong Suk at Bae Suzy. Supporting­ actor pa lang dito ang Korean actor na si Jung Hae In, pero dito siya nagsimulang mapansin bago siya nabigyan ng lead role sa ‘Something in the Rain.’

Pare-pareho silang tatlo na nanaginip ng mga posibleng mangyayari, yun nga lang, most of the time are tragic. Kaya magtutulong-tulong sila para yung mga bad dreams nila, magawan nila ng paraan na hindi matuloy.

Abante Hiring – IT dep

Nang ipalabas ito sa Seoul, 10% na ang pinakamataas na rating na nakuha ng drama nationwide. Malalaman natin kung paano naman ang magiging pagtanggap ng Pinoy viewers sa WYWS sa tagalog dubbed nito.

In a way, maganda ang timing ng magiging fan meeting ni Lee Jong Suk sa bansa sa November. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum.
At ngayong September ang simula ng ticket selling.

Anyway, magti-twenty nine na si Jong Suk sa September 14. Ina-anticipate at pinag-uusapan na ang posibilidad na pagi-enlist niya sa mandatory military service. At sa February 2019 na raw ito papasok.

Pero noong August 24 lang, may lumabas na report tungkol sa enlistment niya. Sumagot ang bago niyang agency, na wala pang definite at confirm decision as to his military enlistment.

Sa lead actress naman ng WYWS na si Bae Suzy, kasalukuyan itong abala sa pre-produced filming ng big-budgetted drama na “Vagabond”. Muli niyang makakatambal si Lee Seung Gi.

As per Jung Hae In, halos katatapos lang nito ng fan meeting sa Asia, including Philippines. Wala pang kinukumpirma ang agency niya sa susunod niyang proyekto.