Abante Tonite Interactive

Lee Jong Suk nilayasan ang YNK

By
181
tonite-annyeong-rose-garcia
Kumpara sa ibang South Korean stars na nag-i-stick kadalasan sa mga agency na nagpa-debut sa kanila o nagsimula ng kanilang career sa Korean entertainment, iba naman ang South Korean actor na si Lee Jong Suk.
May history na rin naman si Jong Suk na hindi nagtatagal sa mga agency­ na pinapasukan niya mula pa noong debut niya. Nagsimula sa edad na 16 si Jong Suk bilang modelo at nagti-train na sana to become one of the members of an Idol group, pero hindi nito tinuloy at umalis sa naturang agency.
Naging under Wellmade Yedang agency siya, pero umalis din noong 2015.
Naka-two years naman siya sa exclusive contract niya sa YG Entertainment. Pero nitong taong ito, nag-sign up siya sa YNK Entertainment. ‘Yun nga lang, after only five months, umalis na muli si Jong Suk sa YNK Entertainment.
Supposedly, magiging partner sana ng sariling agency niya, ang A-MAN Project ang YNK Entertainment. Kaya ngayon, personal na ima-manage na ni Jong Suk ang kanyang career.
May source mula sa YNK Entertainment ang nagbigay ng statement na hindi na nga nila artist ang SoKor actor.
“In September, the management contract with Lee Jong Suk was terminated, and we decided to go our separate ways.
“Although we have parted ways with Lee Jong Suk, we wish him the best in the future.”
Wala namang binigay na dahilan o detalye kung bakit umalis si Jong Suk sa agency kunsaan, nasa kalagitnaan pa naman ito ng pagdaraos ng mga fanmeeting sa Asia. Natapos na ang “Lee Jong Suk Fan Meeting Crank Up” sa Japan at Thailand. Inaabangan naman ngayon ang “Lee Jong Suk Fan Meeting Crank Up Tour in Manila” na magaganap sa Araneta Coliseum sa November 18.
Bukod pa ang sisimulan niyang bagong drama, ang “Romance ­Supplement” sa tvN kunsaan, unang beses na gagawa ito ng isang ­romantic comedy drama.
Sa isang banda, matagal ­naman nang pinag-uusapan at ­nasusulat na panahon na o nasa edad na ito para magpa-enlist sa kanyang mandatory military service. Marami ang nag-akala na hindi na ito gagawa pa ng bagong drama at mag-e-enlist na.
Pero hanggang ngayon, wala pang anumang pahayag si Jong Suk pagdating sa kanyang mandatory military service.