Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Jong Suk, Park Hyung Sik labas na sa military

0 270

Dalawang popular na South Korean male actors ang na-discharge na mula sa kanilang mandatory military enlistment ngayong Bagong Taon.

Nauna na ang actor na si Lee Jong Suk.

Na-discharge si Jong Suk (kikala sa mga past drama niya tulad ng While You Were Sleeping, Doctor Stranger, School 2012, Romance is a Bonus) noong January 2. Dahil sa kanyang raptured ACL (anterior cruciate ligament) sa car accident noong teenager siya, naging public service worker siya during his military serive.

Isang maikling caption na “I’ve come back” na Instagram post ng kanyang black and white photos ang pinost nito sa kanyang discharge.

May balitang ang una nitong gagawing project ay ang pelikulang “The Witch 2.”

Katulad ni Jong Suk, discharged na rin si idol/actor na si Park Hyung Sik (The Heirs, Hwarang, Strong Girl Bong-Soon, Suits.) Kahapon, January 4 ay officially discharged siya from his mandatory military service. Nag-serve si Hyung Sik sa military police department ng Capital Defense Command.

Sa paglabas niya, nag-release ng latest pictures/pictorial ang agency ni Hyung Sik. Balitang maraming offers na natatanggap ang actor, pero pinagpipilian pa raw ni Hyung Sik at ng kanyang agency kung ano ang unang comeback project nito.

Sa isang banda, dahil sa pandemic, nakasama sina Lee Jong Suk at Park Hyung Sik sa mga active soldiers na pinatapos na ang mandatory military service.

Nine months lang nag-serve si Jong Suk at anim na buwan naman si Hyung Sik.

Leave A Reply

Your email address will not be published.