Abante Tonite Interactive

Lee Joon Gi bet si Ha Ji Won

By
1,555

Marami na ring South Korean actress ang na­ging leading lady ng South Korean actor na si Lee Joon Gi, pero matagal na pala niyang pangarap ang makatrabaho ang isa sa kinikila­lang mahusay na aktres sa Korea, si Ha Ji Won.

Sa naging guesting ni Joon Gi sa MBC’s Section TV, dito niya ni-reveal na among the Korean actresses, si Ji Won ang gusto niyang makasama.

Ayon kay Joon Gi, “I’ve thought for a long time that I’d like to work with Ha Ji Won. If the opportunity arises, I think I’ll be able to learn a lot.”

Katatapos lang gawin ni Joon Gi ang drama na “Lawless Lawyer” ng tvN. Ang naging kapareha niya rito ay ang aktres na si So Ye Jin. Nag-finale episode ito noong July 1 na umabot ng 16 episodes.
Bilang senior actor sa mga mas baguhang kasama niya, sinabi ni Joon Gi na tipong ‘cool’ lang siya sa mga ito.

“I’m an easy senior. I’m easy. I feel like it’s time for me to act as the bridge bet­ween seniors and juniors. I’ll create harmony between the old and new,” sey niya.

Kasama rin sa Section TV interview niya ang bigyan niya ng mensahe ang sarili. At ayon sa actor, “You did well up until now and I look forward to you continuing to become a great actor. I praise you.”

Sa naturang guesting, napag-usapan din ang mga nakaraan niyang proyekto. Sa pinakahuling ginawa nga niya, ang Lawless Lawyer, nagpapasalamat siya dahil sa mataas na ratings na nakuha nila.
For a cable channel, nakakuha ito ng 6.134% a­verage nationwide.

“The viewership ratings were high and many people gave me support and love. I feel like I received a gene­rous amount of love, so I’m happy and feel thankful.”

Si Joon Gi ang isa sa mga South Korean actor/singer/model na nag-debut noong 2005 sa drama na ‘The King and The Clown’. Inamin niyang 20 beses daw niyang pinanood ito. Pero isa sa masasabing tumatak si Joon Gi sa Korean wave ay sa drama na ‘My Girl’.