Abante Tonite Interactive

Lee Ka Eun laglag sa Top 12 ng ‘Produce 48’

By
81

Personally, nagulat din kami sa naging resulta ng Top 12 na pumasok sa “Produce 48” bilang mga bagong girl group na magde-debut sa Korea via IZ*ONE.

Ang Pledis Entertainment trainee na si Lee Ka Eun ang isa sa maingay at madalas na nakakapasok sa Top 12 sa mga nakaraang elimination night bukod pa sa isa rin sa may talents at following na talaga.

Nakapag-debut na rin ito sa girl group na “After School” noong 2012. Pero instead na makasama sa Top 12, Lee Ka Eun just ended up as Top 14.

Abante Hiring – IT dep

Marami ang na-shock and in fact, hindi makapaniwala na hindi makakasama si Ka Eun sa mga magde-debut through “Produce 48”.

Tila hindi nakapagpigil ang dating ka-member ni Ka Eun sa After School na si Jung Ah ng saloobin nito sa nangyari.
Ipinost ni Jung Ah sa kanyang Instagram account na, “Our Kaeun, you went through a lot. I believe that even better opportunities will definitely come to you. Still, I’m upset and my heart aches.”