Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee, kumander solb sa haybol

0 236

Ngayong patuloy na laganap pa rin ang COVID-19 sa bansa, nag-date na lang sa loob ng kanilang tahanan ang pamilya ni Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee upang makaiwas sa nasabing sakit.

Ibinahagi ng Magnolia Hotshots player sa kanyang Instagram post kahapon ang date at quality time niya kasama ang asawa’t anak.

Hirit ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo, “Date at home!!! The new normal.”

“Pero ako, kahit saan basta kayo ni @tokyochualee ang ka-date ko laban ako diyan, ” banat pa ng veteran playmaker.

Tengga siya sapul nang ihinto ang 45th PBA Philippine Cup noong Marso 11 dahil sa pandemiya. Baka Setyembre o Oktubre pa makabalik ang pro league. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.