Abante Tonite Interactive

Lee, Magnolia dinispatsa ang Blackwater

By
447

HINDI inaksaya ng Magnolia Pambansang Manok ang twice-to-beat edge, dinaan sa isang bigwasan lang ang Blackwater 103-99 sa Smart Araneta Coliseum Martes nang gabi.

Unang pumalaot sa semifinals ng PBA Governors Cup ang Hotshots.

Binitbit ng 22 points at 12 rebounds ni Paul Lee ang Magnolia. Tumapos si Romeo Travis ng triple-double na 18 points, 20 rebounds at 12 assists.

May 18 points din si Ian Sangalang, at 4 for 7 sa 3-point range si PJ Simon tungo sa 16 points para sa Hotshots.
Natapos ang season ng Elite na humugot ng 11 points pataas mula sa limang players sa pangunguna ng 18 ni Henry Walker.

Inagaw pa ng Blackwater ang manibela 96-95 sa free throws ni Allein Maliksi 2:35 pa, pero sandali lang dahil binawi agad ng layup ni Sangalang na sinundan niya ng split charities 98-96.

Huling dumikit ang Elite 100-99 sa 3-poin­ter ni Paul Zamar 35 se­conds na lang, pero nagsalpak ng tatlong free throws sina Travis at Lee na pumagitna sa sablay na 3 ni Elite guard John Pinto.