Abante Tonite Interactive

Lee, Magnolia keber sa mga talo

411

Tinapos ng Magnolia ang elimination round ng PBA Commissio-ner’s Cup sa four-game losing skid, pero positibo pa rin ang Hotshots.

Pasok sa quarterfinals ang Magnolia, natengga sa No. 5 pagkatapos ng 98-83 loss sa TNT nitong Miyerkoles.

“Blessed pa din kami, we have four-game losing streak but we’re still in the quarters,” ani coach Chito Victolero paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum.

Paghahandaan na lang nila ang quarterfinals matchup, ang best-of-three series kontra defending champion Ginebra.

“Sabi ko lang sa kanila, don’t dwell on that last four games, we need to move forward and prepare hard for the quarterfinals,” panapos ng coach.
Si combo guard Paul Lee, ayaw na ring isipin ang skid. Dagdag-pasanin – excess baggage, aniya – pa raw kung magsisintir sa apat na talo.

“This is another time for us na mag-focus kami ng mas maayos,” ani Lee. “Kasi excess baggage pa ‘yun kung iisipin mo ‘yung apat na talo. No room for that. Just move on, focus sa quarterfinals.” (Vladi Eduarte)