Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee, Magnolia pinupog Bolts

0 65

Tinakbuhan ni Paul Lee at ng Magnolia Pambansang Manok ang Meralco 92-78 sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup semifinals sa Don Honorio Ventura State University gym sa Pampanga Miyerkoles ng gabi.

Pisikalan pa rin ang laro, sumakay ang Hotshots sa 28 points ng Angas ng Tondo para ekisan ang 2-0 lead sa best-of-seven series.

Umiskor lahat ang 11 na pinasok ni Magnolia coach Chito Victolero, tumapos ng double-double sina Ian Sangalang (16 points, 10 rebounds) at Calvin Abueva (11-11).

Natapilok si Meralco big Raymond Almazan at hindi natapos ang laro, ejected din si Cliff Hodge sa pangalawang technical – ang flagrant foul 1 kay Abueva.

Binitbit ng 18 points ni Chris Newsome ang Bolts, may tig-12 sina John Pinto at Reynel Hugnatan.

Sa unang laro, pinangunahan ni Terrence Romeo ang ahon ng San Miguel Beer mula 19-puntos na pagkakaiwan bago tinapos ng dukot sa ilalim ni Marcio Lassiter sa final second para bawian ang TNT 98-96.

Nakadalawang puntos lang sa first half, kinamada ni Romeo sa fourth quarter ang 15 sa kanyang game-high 26 points. May 14 points at 10 rebounds si June Mar Fajardo.

Bago ang game-winner ay 1 of 5 lang sa floor si Lassiter.

Game 3 ng magkahiwalay na serye bukas sa Bacolor venue. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.