Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee, Magnolia swak sa Final 4

0 72

Laro ngayon (DHVSU, Bacolor)

6 pm – NLEX vs Meralco

Parehong winalis ng San Miguel Beer at Magnolia Pambansang Manok ang asignatura sa quarterfinals para bumiyahe sa semis ng 46th PBA Philippine Cup 2021 sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga nitong Huwebes ng gabi.

Unang binigwasan ng Beermen ang NorthPort 100-95, sunod na pinauwi ng Hotshots ang Rain or Shine 96-86.

Napagsarhan sa final four ang SMB at Magnolia sa Clark bubble noong nakaraang taon. Si Calvin Abueva at Phoenix ang sumipa sa Hotshots sa first round.

Nilambat ng Hotshots nitong offseason si Abueva, siya pa ang instrumento para makabalik sa semis sina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang.

“Mahirap kalaban si Calvin. Mas maganda na ‘yung kakampi mo siya kaysa kalaban mo,” ani coach Chito Victolero.

Tumabo si Lee ng 24 points, nilista ni Abueva ang sixth double-double niya sa conference na 20 points, 19 rebounds. May 16 points si Jio Jalalon, 13 markers, 11 boards si Sangalang.

Bumiyahe sa unang pagkakataon sa semis si CJ Perez sa tono ng 21 points para itulak ang Beermen kontra TNT sa best-of-seven series.

Hihintayin ng Hotshots ang winner sa do-or-die game ng NLEX at Meralco ngayon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.