Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee, Magnolia tinagay Ginebra

0 136

Inari ng Magnolia ang Manila Clasico sa Ynares Sports Arena sa Pasig Linggo ng gabi.

Inumpisahan at tinapos ni Paul Lee ang atake ng Hotshots para ibaon ang Ginebra, 89-79.

Kinubra ng Magnolia ang pangatlong sunod na panalo para samahan ang Rain or Shine sa tuktok ng PBA Philippine Cup eliminations standing, sadsad sa pangalawang talo sa tatlong laro ang defending champion Gin Kings.

Tumapos si Lee ng 22 points sa perpektong 9 of 9 free throw shooting.

Sa kanyang unang Clasico game, nagsumite si Calvin Abueva ng 15 points at 9 rebounds sa Magnolia. May 17 markers pa si Ian Sangalang at 15 points, 6 assists kay Mark Barroca.

“Sobrang malaking impact sa Manila Clasico, kilala naman natin si Calvin sa Alaska at Phoenix, ‘pag naglaro na talaga ‘yan all-out,” ani Lee sa bagong kakampi.

Mula sa 65-49 sa third quarter, naibaba ng Gins sa apat ang hinahabol pero umiskor ng anim si Lee sa last 3 minutes para panatiliin sa unahan ang Hotshots. Overall, 27

of 31 sa stripe ang Magnolia kumpara sa 15 of 20 ng Gins.

Sinubukang ibalik ni Stanley Pringle sa fourth ang Ginebra pero naubusan. Nagkamada ng 16 sa period si Pringle tungo sa 22 points. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.