Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Min Ho ‘bagong babae’ si Yeonwoo

0 65

Nasa Top 2 Trending sa Twitter ang pangalan ng South Korean actor na si Lee Min Ho kahapon, August 30.

Ang dahilan, ang “dating” issue na lumabas tungkol dito. Si Min Ho, 34 year old ay napapabalitang ang bago raw na karelasyon ay ang former member ng South Korean girl group na Momoland na si Lee Da-Bin (Yeonwoo), 25year old din.

Siyempre, marami ang nagulat sa pagkaka-link ng dalawa, lalo pa nga’t isa si Lee Min Ho sa may napakaraming tagahanga sa loob at labas ng South Korea.

Big deal talaga ang kahit anong dating issue rito . Ngayon pa nga na malaki rin ang agwat ng edad nila.

Nitong August 30 , naglabas ng report ang Dispatch na nagdi-date na nga raw sila sa loob ng limang buwan . Nagkakasundo rin daw sila sa hilig na gaming at panonood ng mga movie. Nakuhanan din daw ng picture ng Dispatch ang dalawa na magkasama.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa rin sa report ng Dispatch, sinusundo raw ni Min Ho si Yeonwoo para makapanood sila ng movie.

Mabilis naman itong itinanggi ng agency ng actor. Ayon sa MYM Entertainment, “It is not true that they are in a relationship. They are just acquaintances.”

At tungkol naman daw sa picture na magkasama ang dalawa, may sagot din dito ang agency. “It wasn’t just the two of them, and there were other friends present at the time. They are not photos of a date.”

Ang huling napabalita na naging girlfriend ni Lee Min Ho ay si Bae Suzy. Nabalita rin na nagkaroon sila ng relasyon ni Park Min Young.

Kung pagbabasehan ang mga comment at reaksiyon ng mga fan, mukhang mas marami ang na-relieve at nakahinga sa pagde-deny agad ng MYM Entertainment .

Leave A Reply

Your email address will not be published.