Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Min Ho, Lee Jong Suk target ni Kyline

0 63

Opisyal na itinalaga si Kyline Alcantara bilang honorary ambassador ng South Korean tourism sa Pilipinas nitong Abril 28.

Sa isang panayam sinabi ng Kapuso actress na hindi umano siya makapaniwala na napili siya ng Korea Tourism Organization (KTO) para i-promote ang “#GandaKorea campaign.”

“Sobrang, as in na parang, sabi ko sa handler, ‘Ate Molly, if iyan talaga joke sobrang masa-sad ako.’ Cause it’s really unexpected. Sobrang unexpected talaga niya and unbelievable also,” pahayag nito sa PEP.ph.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Kyline, 11 taong gulang pa lang siya ay mahilig na talaga siyang manood ng mga Korean drama.

Aniya, kung bibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makita si Lee Min Ho o si Lee Jong Suk. Subalit magiging masaya pa rin umano siya kahit sinong Korean artist pa ang kanyang makita.

“It’s either Lee Min Ho or Lee Jong Suk… Or kahit sino po as in. Kung gusto niyo po BTS, lahat sila okay!” saad nito.(Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.