Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Min Ho wawasak sa KathDen, KathNiel

0 335

Kapwa ambassadors ng isang on-line shopping company ang Philippine phenomenal star Kathryn Bernardo at universal oppa Lee Min Ho. Hindi ba nga marami ang kilig na kilig sa shared screen moment nila kung saan sila ay nagdaupang palad.

Imposible kaya ang pangarap na bituin na sina Bernardo at Lee ay magsama pa sa isang pangmalakasang proyekto, halimbawa isang pelikula?

Hindi ba’t sina Hyun Bin, So Hye Jin at Park Seo Jun, tatlo sa pinaka-major, major superstars mula sa land of the morning calm ay ambassadors na of a Philippine telco giant kaya hindi na to dream an impossible dream na maging maliban sa patalastas, eh maging magkatambal sina Min Ho at Kathryn sa isang film project.

Juice colored! Pag magkatotoo ang collective wishful thinking na ito mula sa mga Queen Kathryn fanatics, more chances of winning na ang collab nila ni Min Ho ang maaring kumabog sa “Hello, Love, Goodbye” ng KathNiel. Pati na rin sa tandem ng KathNiel.

Sa true lang, mas exciting , may golpe de gulat at shookt to the highest level ang dream na magkatambal sina Kathryn Bernardo at Lee Min Ho, hindi ba naman?

Walang hikab factor na parang magiging reaksyon mo sa sitcom na nila ni Daniel Padilla.

Miko. Aki palaban sa lampungan

Nagkakagulo ang mga bakla mahilig sa Pinoy BL dramas sa mga kaganapang nangyayari sa “My Extra Ordinary” at sa “My Day.”

Sa BL fare na pinagbibidihan nina Enzo Santiago at Darwin Yu na binibigyang buahy sina Ken at Shake,sa kanilang weekend get-away sa episode 5, sweet-sweetan at virginal ang mga kaganapan.

May habulan, piggy back ride, pagsakay sa bike, baby kisses exchange, huma-honeymooners na sina Shake at Ken sa ilalim ng puting linen kumot.

Kaso grabehan ang babang bubog si Karissa Toliongco, ang Maui Taylor look alike bilang si Sandee. Ayaw paawat ang pagiging insekyura at sumbungera. Ang sarap buhukan!

Ang mas lalong malala, ang nanay ni Ken, si Mamang Monica, na binibigyang buhay ni Yayo Aguila .Parang maraming alam sa galawang kabadingan kaya isang sipat pa lang sa larawan ng kanyang anak na lalaki na may kasamang nakahiga sa damuhan, ballistic na agad ang imahinasyon at talak!

Sa “My Day” naman, juice colored! Palaban na palaban sina Miko Gallardo (Sky)at Aki Torres (Ace) sa unang bahagi ng episode 11.

Pangalawang beses na kasi ang kanilang sexual congress kaya mas marudob ang laplapan, may eskrimahan ang mga dila, sipsipan at himuran ng mga utong, pagtali sa braso at final bottoming at concluding act ay may pagdila pa si Gallardo sa tenga ni Torres, huh!

Kung panalo sila sa sex scene, kamusta naman ang pag-arte sa drama moments! Ay! Juice colored! Parang aral sila sa Machete School of Wooden Acting na alam na alam niyo na kung sino ang dean, my dear Tonite readers. Take a bow, Aljur Abrenica. Ang savage! Charot! (May nakita naman akong potensyal kay Miko. Nagso-shoot nga siya ngayon sa Star Cinema movie. –ED)

Iba na talaga ang level ng BL leads na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, huh! Ang latest photo shoot nila , ang fashion photographer of the stars, si BJ Pascual lang naman.

Sina Kokoy at Elijah, eh masasabing kasi sa “a new hope” batch of Filipino actors, matatalino at mahuhusay umarte at makatotohanan ang mga pag ganap.

With them as the two leading alpha males of the batch, ang sarap na mas dumarami na ang mahuhusay sa showbizlandia kesa sa mga bano.

Watching the behind the scenes footages of the shoot sa YouTube, kitang-kita na mas playful si De Santos, may refinement si Canlas. Mas matangkad rin si Elijah kay Kokoy pero alam nila kung paano mag-emote sa pag-strike a pose and vogue para hindi masyadong halata ang disparity in height.

Pati ang mga mata nila sa shoot, speaking in volumes, pati sa pictorial umaarte kaya lugod na lugod si BJ sa dalawang aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.