Abante Tonite Interactive

Lee Min Ho at Suzy nagkabalikan

2,942

PAGKATAPOS na kumpirmahin ng parehong agency nina Lee Min Ho at Bae Suzy na official na break na nga ang dalawa noong isang taon, heto at may mga kumakalat na namang balita na di umano’y muli na naman daw nagdi-date sina Min Ho at Suzy.

Na ang siste, nagkabalikan raw ang mga ito.

‘Yun nga lang, parang ilang beses na rin kasi na napapabalita sa ilang taong relasyon nila na di umano’y break, then, makikitang sila pa rin.

It was only last year na kinumpirmang break na nga. Pero heto’t may sightings na naman daw sa kanilang dalawa.

Si Lee Min Ho ay kasalukuyang nasa Gangnam City Hall at naka-enlist siyasa public service. While si Suzy naman, kaka-launch lang ng kanyang solo album. Dahil dito, may duda ang ilang Korean netizens na baka gimmick lang daw ang sinasabing pagbabalikan para mas mapag-usapan o mag-ingay.

Hati rin ang reaksyon ng mga fans sa isyu. Merong natuwa at nagwi-wish na sana nga raw ay totoo, pero marami rin ang against na magkabalikan pa sila.

Naging maagap naman ang parehong agency ng dalawa na magbigay ng maikling statement sa isyu ng balikan at di umano’y sikretong pagdi-date.

Ayon sa management ni Min Ho na MYM Entertainment, “It’s not true that [Lee Min Ho] has gotten back together with Suzy. The rumors that they’ve been going on secret dates is also false.”

Gayundin ang management ni Suzy na JYP Entertainment, “After talking with Suzy, it’s been confirmed that the rumors are false.”

Let’s wait and see kung ano talaga ang totoo. (Rose Garcia)