Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee ‘outside the kulambo’

0 284

NAWALA ang “Angas ng Tondo” at nagmistulang “outside the kulambo” ang tinaguriang “Lee-thal Weapon” na si Paul Lee matapos maagawan ng puwesto ng kanyang pinakamamahal na anak sa kanilang pagtulog.

Natatawa na lamang ang sweet-shooting guard ng Magnolia Hotshots sa ipinost nito bago matulog sa Instagram na @lethalweapon03 na litrato.

May caption itong “goodnight everyone paano sleeping position niyo with your baby??? Normal naman siguro tong position namin noh #PaulRubieTokyo‍‍,” sabi ng premyadong guard ng Magnolia.

Makikita naman sa larawan ang masarap na pagtulog ng anak nito habang nakapatong ang mga paa sa dibdib mismo ni Lee. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.