Abante Tonite Interactive

Lee Seo Won patalim ang ginamit sa sexual harassment

By
3,343

Patalim pala ang ginamit ng South Korean actor na si Lee Seo Won. Ito diumano ang panakot niya sa female colleague o isang South Korean actress na tinangka raw niyang halikan o i-sexually harass noong April 8.

Marami na nga raw nai­nom noon si Seo Won. Ito ang itinuturong dahilan kaya nakagawa umano ito ng ganu’ng action.

Tinalakay sa episode ng SBS’ One Night of Entertainment ang nangyaring ‘yun kay Lee Seo Won at nakausap nila ang police officer na unang rumesponde sa pangyayari.

Dito nga na-reveal na knife ang ginamit ni Seo Won.

Sa unang report na lumabas, tinawagan ang boyfriend para masaklolohan siya laban kay Seo Won.

Ayon sa police officer, “A report came in for harassment. He was arrested for sexual harassment and special threats on location. The weapon was a knife. He was so drunk he couldn’t even control himself. He also cursed a lot.”

“If he’s found guilty after investigating, he’ll be prosecuted and undergo a criminal trial. I’m carefully predicting that the results will be out within a month.”

Sa ngayon, marami ang nanghihinayang kay Seo Won na sinasabing puwede nga raw sanang maging next Song Joong Ki o Park Bo Gum. Wala pa rin namang ini-issue na statement ang Blossom Entertainment kung ite-terminate na nila ang kontrata ng actor bilang isa sa mga talent nila. Pero ang mga netizen na mismo ang nagsasabing siguradong mahihirapan na raw makabalik ang actor o makakuha pa ng mga project.

Dalawa na nga sa present shows na nakatakda niyang gawin ang tinanggal siya. Ito’y ang drama na ‘About Time’ at ang ‘Music Bank’ na siya sana ang isa sa host.