Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi 1 damit lang ang suot buong taon

261

Limang taon na rin nang magkasama sa isang drama sina Bae Suzy at ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi.

Kaya naman ang mga tagahanga nilang dalawa, lalo na ang mga naghahangad ng part 2 ng ginawa nilang drama na “Gu Family Book” ay natuwa. Inisip nga nila na part 2 ang bago nilang drama under SBS na “Vagabond”.

Pero “Vagabond” is a totally different drama na ipalalabas na sa September 20, 10pm KST at sa Netflix worldwide.

Dahil matagal na hindi nagkasama, tinanong si Suzy kung ano raw ang naging impression nito ngayon sa co-star na si Lee Seung Gi.

“First impression? After not seeing each other for a while. When I first heard that I will be doing a project with Oppa Seunggi again, I was so happy.”

Sabi pa niya kay Seung Gi, “And you fit the role of Cha Dal Gun so perfectly.”

Naging maganda raw ang working relationship nila noong ginawa nila ang “Gu Family Book” kaya natuwa siyang talaga nang malaman niyang magiging magkapareha silang muli.

“I had a lot of good memories while shooting drama with you back then so I was really happy,” saad ni Suzy.

Kung may mahirap daw sa “Vagabond”, ito ‘yung halos mahigit isang taon silang nag-filming.

“For me, the difficult part was the long shooting period. It was hard to connect the acting feels after some time had passes.”

May isang taon din halos nag-filming ang “Vagabond”. Sinimulan pa nila ito noong isang taon sa Morocco at Portugal.

Sa tanong kung meron daw na mahirap in terms of acting, ang part ni Lee Seung Gi ang naalala agad ni Suzy.

Isang set lang daw kasi ng damit ang suot nito.

“Because Cha Dal Gun has only 1 set of clothing. And the shooting period was one year. When it was really hot, he had to wear long sleeve and even when it was really cold, he needed to survive with just one piece of clothing.”

Si Suzy ay gumaganap bilang secret agent ng National Intelligence Service sa “Vagabond”. Dumaan din ito sa iba’t ibang klase ng martial arts at gun shooting training.

Sa huli, nang tanungin ito, pangarap din daw niyang gumanap na isang killer. Most of her roles are the lead role in a drama.