Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi aligaga sa pagsasanib ng Japan, Korean trainee

By
2,363

NAG-I-ENJOY kaming panoorin ang ika-3rd season ng survival reality show na “Produce 48” ng Mnet. 96 girl trainee ang naglalaban-laban para makasama sa kauna-unahang girl group na pinagsamang Japan at Korea.

Napapanood ito ­globally, pero tulad sa VIU, delayed lang nang ilang araw, pero naka-English subtitle na.

Halos karamihan ng girls as young as 15 at pinaka-senior na ang 25 years old ay pa­wang magaganda. Dahil sa show na ito, nakita namin ang kaibahan ng kultura ng Japan at Korea sa pag-launch ng mga girl group. Maging ang mga trainor na kinabibilangan nina FT Island’s Lee Hong Ki at Soyou sa vocal, dance trainors naman sina Bae Yoon-jeong, Choi Young-joon and May J Lee at si Cheetah sa rap, ay nagulat sa kaibahan ng dalawang grupo.

Karamihan sa nakakuha ng grade na A sa initial performance pa lang nila ay mga Korean. Dalawa lang yata ang nakakuha mula sa Japan ng A at karamihan ay F o failed ang grade.

Ang dahilan, ang mga trainee na galing sa iba’t ibang agency sa Korea ay napakahuhusay na both in singing and dancing. Kumbaga, halos ready na mag-debut. Nagulat ang mga trainor dahil ilan sa mga contestant galing sa iba’t ibang agency sa Japan tulad ng AKB48 ay matagal nang nag-debut sa kanilang bansa at popular na rin, pero hindi in-sync sa pagsasayaw at sumasablay rin sa pagkanta.

Prangka ang mga trainor at talagang sinasabi ang kakulangan ng individual contestant. Iyakan ang mga halos may pangalan na rin tulad sa Japan pero C, D or worst, F ang nakuhang grade.

Nangako naman ang mga trainor na tutulu­ngan ang bawat isa na mag-improve pa, though at the end, only 12 girls will survive at magde-debut bilang bagong girl group tulad ng nangyari sa IOI at Wanna One.

Sa first episode pa lang, nakita na ang difference ng dalawang bansa sa pag-handle ng mga talents. Sa Korea, kahit bumilang pa nang ilang taon sa pagti-training, hangga’t hindi pa maga­ling, siguradong hindi pa ito pinagde-debut ng mga agency. Sa Japan naman pala, kahit hindi ganoon kahuhusay, mas prayoridad nila na magpakita ng cuteness at mae-entertain nila ang mga fan ang mas pinaprayoridad.

Ang MC at Nation’s Representative na si Lee Seung Gi ay ikalawang episode na naka-appear dahil daw sa conflict of schedule. Ipinakita sa 2nd episode na pinapanood sa kanya ang initial performances ng 96 trainee.

At ayon kay Seunggi, “I think there’s definitely a difference in skill level. However, what’s important is how they will be after debuting.”

Nakikita rin daw niya na sa difference na ito sa Japan at Korean trainees, makakabuo ng interesting new girl group.

Sa isang banda, ngayon daw niya nakikita kung gaano kala­king pressure ang maging isang Nation’s Representative na dating ginawa ni BoA. Hindi maiwasang maging aligaga ito. Pero nakakausap daw niya ito at pinapalakas ang loob niya.

Aniya, “The pressure is huge. I can tell there is a lot of attention.

“BoA must’ve had a hard time last season with all this responsibility. She was encouraging me so much.”

Ang “Produce 48” ay napapanood tuwing 11:00 p.m., KST.