Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi angat sa Asian Artist Award

786

tonite-annyeong-rose-garciaLabing-apat na taon simula nang mag-debut ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa pamamagitan ng kanyang kantang ‘Because You’re My Woman’ pero hanggang ngayon, hindi maikakaila kung gaano pa rin ka-intact ang popularidad ng South Korean singer/actor/host. 

Na isa sa mga mapalad na kahit nawala nang dalawang taon nang pumasok sa mandatory military service, nakabalik right away sa status niya sa kanyang showbiz career. In fact, kami na ang hindi makasunod sa mga show, event, endorsement na ginawa niya in less than a year pa lang.
May ongoing na online voting na ginagawa ngayon para sa 2018 Asian Artist Award. Isa si Seung Gi sa nominado sa actor’s cate­gory, although noong una itong lumabas ay nasa Top 20 lang ang rank niya, dito makikita kung gaano kamahal at sinusuportahan si Seunggi ng mga fan niya o kung tawagin niya ay Airen international.
Habang isinusulat namin ito, umakyat na ang rank niya sa Top 3. Nalagpasan na niya ang ibang miyembro ng idol groups na siyang nagdo-dominate noong una ng Top 5. Given na kasi na kapag idinaan sa mga ganitong botohan, iba ang hatak ng mga idols who are members of boy or girl group.
Tulad ngayon na ang leading ay parehong miyembro ng EXO.
Hanggang October 12 pa ang botohan although mahirap kalaban sa mga online at text votes ang mga idol, for a non-member of boy group, talagang kaha­nga-hanga ang pag-akyat ng rank ni Seunggi. Ang ibang non-idols at actor rin na nominado, si Lee Jong Gi ay nasa rank 7 at si Ji Chang Wook sa rank 10 na ang susunod sa kanya, the rest of the Top 10 are boy group members.
Ang 2018 Asian Artist Award ay magaganap sa November 28 at Namdong Gymnasium in Incheon.