Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi balik-ABS-CBN

ANNYEONG

By
2,501

Simula bukas ng gabi, ang isa sa itinuturing na pinakamalaking adventure/romantic/fantasy drama na “Hwayugi: A Korean Odyssey” ng tvN ay magsisimula nang mapanood sa ABS-CBN.

Ito ang papalit sa naiwang time-slot ng “Doctor Crush”.

Ang “Hwayugi” ay nag-pilot noong December 23, 2017 sa Korea at nag-finale episode noong March 14, 2018.

Comeback serye rin ito ng South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi mula sa kanyang military enlistment.

It’s either tila nasabik sa kanya ang mga tagahanga o ‘yung iba, lalo na ‘yung mga bagong K-drama addict na ngayon pa lang siya nakilala at napanood, ang dahilan kung bakit dahil sa “Hwayugi” ay dumami pa ang mga tagahanga niya. Evident ito sa official fan club pa lang niya sa bansa na mas dumami ang naging miyembro.

At bilang isa sa mga espesyal na handog ng ABS-CBN para sa ika-15 taon ng pagi­ging first and true home of Asianovelas, inihahandog nga simula bukas nang gabi ang “Hwayugi: A Korean Odyssey”.

Nagkaroon din kahapon ng advanced screening ang “Hwayugi” sa Sikat Events Inc. kunsaan, inorganisa ito ng Airen Ph (Lee Seung Gi Philippines) with ABS-CBN at dinaluhan ng mga fan nito.

Makikilala na ang makapangyarihan pero misteryosong si Son Oh Gong (Lee Seung Gi) na palalayain ng bata pang si Yumi (Oh Yeon Seo). May pangakong kapag nakalaya na siya sa marble mountain ay magiging protector siya ni Yumi, pero hindi ito nangyari dahil tinanggalan ni Oh Gong ng memorya ng pangalan niya hanggang sa magkita silang muli pagkatapos ng 25 taon.

Ang sigurado, tiyak na marami ang kikiligin sa da­lawa. Gayundin, marami ang maaaliw sa tila love & hate bromance nina Seung Gi at ng South Korean actor na si Cha Seung Won (Devil King).