Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi bibisita sa ‘Pinas

209

Magkakaroon na ng katuparan ang matagal nang pangarap ng mga Airen Ph. Ito’y ang makara­ting sa Pilipinas ang South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi.

 

 

Halos siyam na taon din nilang hinihiling na sana makasama na sa mga series of Asia’s fan meeting ang ‘Pinas.

 

Kaya nang ilabas ng Applewood, a Global Entertainment Agency ang mga bansa sa Asia na iikutan ni Lee Seung Gi for his fan meeting, nagdiwang talaga ang mga tagahanga niya.

 

Sa October 12 ay nasa Manila siya. October 19 sa Bangkok, October 26 sa Singapore at November 30 naman sa Kuala Lumpur.

 

Ika-3rd stop na ang Manila ng Asia’s fan meeting ng Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi dahil nauna na siya noong July sa Japan at Taipei.

 

Apat sa drama ni Seung Gi ang ipinalabas na sa bansa, ang “Shining Inheritance” sa GMA-7 at ang “My Girlfriend is a Gumiho”, “Gu Family Book” at “Hwayugi” sa ABS-CBN. Pero bukod dito, pinagbidahan din niya ang mga drama na “The King 2 Hearts” at “You’re All Surrounded”.

 

Ngayon, apat ang variety show na ginagawa niya. Ang “Master in the House” at ang magpa-pilot na “Little Forest” sa August 12 and upcoming “Busted” ng Netflix at “2 Man Trip”.

 

Walang duda na nagulat ang marami niyang taga­hanga at na-excite na darating siya sa ‘Pinas. Ilang oras lang nang ianunsiyo ng Applewood ang fan meeting niya, nag-trending sa Twitter si Lee Seung Gi.

 

Ang CDM Entertainment, Hook Entertainment at ABS-CBN ang producers ng 2019 Lee Seung Gi Asia’s Fan Meeting Vagabond Vo­yage in Manila.
Ang detalye sa venue at ticket selling ay waiting pa ang final announcement.