Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi drama tuloy kahit sangkatutak ang kapalpakan, aksidente

By
Lee Seung Gi
2,507

HALOS nagkaisa sa pananala­ngin ang Airens, ang fans club ng Hallyu star na si Lee Seung Gi, sa loob ng mahigit isang Linggo simula nang magkaroon ng aberya at krisis ang comeback drama nito na Hwayugi.

Nagkaroon ng pangamba na baka dahil sa nangya­ring kapalpakan sa airing ng 2nd episode ng Hwayugi noong December 24 at ang aksidenteng kinasangkutan ng isang crew noong December 23 filming ay ipatigil ang production ng Ministry of Employment & Labor sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Sobrang saya at pasasalamat ang naramdaman ng mga fans nang magdaos ng press confe­rence ang Ministry of Employment & Labor na hindi nila ipatitigil ang drama.

Abante Hiring – IT dep

Bahagi ng statement nila noong January 4, “the purpose of the press conference is not to stop the production of Hwayugi but to raise awareness about safety insensiti­vity, and to prepare measures.”

Kinabukasan naman, January 5, nagpahayag ang tvN at JS Pictures ng kanilang paumanhin at pag-anunsiyo na pagkatapos ng one week delayed, tuloy-tuloy na itong mapapanood. Kagabi, January 6, 9 p.m. Korean time, ay ipinalabas na nga ang episode 3 at ngayong gabi, same time, mapapanood ang 4th episode.

Sa statement ng tvN at JS Pictures, “Regarding issues in production, broadcasting, and related topics of drama ‘Hwayugi’, including the set accident on December 23, the broadcast errors in episode 2 aired on December 24, the changes in broadcast schedules, and more – we bow our heads in deep apology, in all aspects. Most importantly, we sincerely apologize to the staff member who suffered such an unfortunate accident on the filming set, and to the staff member’s family. tvN and JS Pictures greatly realize the severity of this accident.

“Because he is someone who worked with us on ‘Hwayugi’ production and is like family, our first priority is to take appropriate measures as soon as possible. Discussions have been proceeding smoothly with the lawyer hired by the staff member’s family, and with the family’s permission, we will be personally making a visit this Sunday to express our deepest apologies.”

Dahil sa pangyayaring ito, sini­gurado ng production na bukod sa pagdagdag ng direktor, magkakaroon daw ng isa o dalawang araw na pahinga sa isang linggo ang bawat staff.

Hindi naman na kami magugulat kung ang ipinalabas na episode 3 kagabi at ang episode 4 ngayon ay magiging mataas na naman ang ratings na maitatala tulad sa episodes 1 & 2 na parehong nag-number one sa ratings. Bukod sa pagiging sensational ng drama, mas lalo pang nasabik ang mga fans sa mga susunod na episodes.

Kasama rin sa Hwayugi sina Cha Seung Won at Oh Yeon Seo.