Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Seung Gi hindi ginagamit ang BTS

0 279

Pagkatapos ng limang taon, muling tumuntong ang South Korean Triple Threat o multi-talented star na si Lee Seung Gi sa music show.

Muling bumalik si Seung Gi sa kanyang root, ang pagiging isang singer. Known as the Ballad Prince.

Unang TV guesting niya ay sa music show na Yoo Hee Yeol’s Sketchbook promoting his 7th full album, “The Project” with “I Will” as his title track na ni-launch noong December 10.

Bukod dito, nauna nang napakinggan ang pre-release track niya na “The Ordinary Man.” Both his pre-released and his album ay nagta-top sa mga music charts at iTunes.

Bukod sa dalawang unang kantang nabanggit, may 2 pa siyang new songs plus five remastered songs mula sa kanyang mga previous album. Kabilang na rito ang “A Song To Make You Smile” na ni-release noong 2011 featuring BTS’ RM and J-Hope.

Pero noong nakipag-collab si Seunggi sa kanila noon, hindi pa sila kilala. Hindi pa sila nilulunsad as BTS.

Sey nito, “I think a lot of people want to write articles like, ‘Lee Seung Gi is collaborating with the worldwide BTS!’ But I recorded this song back when BTS wasn’t as global as they are today. I worked on the song in 2011. It’s a little like I had stocks before they were listed. I think that a lot of people were shocked when they saw the headlines. I want to take this opportunity to apologize. I didn’t have a malicious intent in putting the old song on my new album. I just really like the song and wanted more people to hear it.”

Nagbiro rin ito na dahil nga sa kasikatan ng BTS ngayon, sana raw, ‘wag naman ito ang mag-number one among his tracks.

Aniya, “I think that it would be weird if this song was the only one to hit No. 1 on the charts and does better than my title track. I hope that it will rank around No. 3 or so.”

Sa isang banda, may ilang nagpapakilalang Army rin na karamihan ay mga teenager ang nag-judge agad kay Seunggi. Inaakusahan ito na ginagamit daw ang K-pop Idols nila.

Pero, mas maraming netizen naman ang pumuri kay Seunggi na sa kabila raw ng status nito bilang solo artist, nananatiling humble pa rin. Ilan sa mga fan ng BTS ay ini-acknowledge at nagpasalamat pa kay Seunggi na kahit noong panahong hindi pa kilala ang dalawang BTS members, nakipag-collab na si Seunggi sa mga ito .Humingi rin sila ng paumanhin sa ibang Army na nag-judge agad.

Sa ngayon balik muli si Seunggi sa pagiging all-around artist. From being a singer, to being an actor (kasalukuyan niyang sinu-shoot ang bagong drama for 2021 na Mouse), variety man for SBS’ All The Butlers at host for the JTBC’s singing show, “Sing Again.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.