Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Seung Gi inisnab sa best actor

0 295

Simula nang ianunsiyo ang 57th Baeksang Awards list of nominees, hanggang ngayon ay mas lalo pang dumarami ang mga netizen na nagpo-post at nagsasabi na ang South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi ay dapat na isa sa mga nominado sa pagka-Best Actor.

Hindi pa rin matanggap ng karamihan kung bakit hindi nabigyan ng nominasyon ang maituturing na best performance ni Seung Gi sa “Mouse” ng tvN .Mapaghamon pa naman ang kanyang role bilang pyschopath sa isang suspense/crime/drama na serye . Markado pa naman ang kanyang pagganap sa

ipinalabas na episode 14 & 15 .

Bukod sa mga title na ibinigay kay Seunggi in the past tulad nga ng “Triple Threat Star” “Nation’s Son,” “Emperor,” “Ballad King” heto’t dahil sa kanyang ipinapakitang top calibre acting, binansagan na rin siya ng ilang netizen na “God of Acting.”

Narito ang ilan lamang sa mga comment na mababasa sa online.

“If Lee Seung Gi don’t win any awards for this character and drama, there is something wrongggg because this is literally the best drama for 2021.”

“Lee Seung Gi, just when are you planning to stop setting standards? You’re truly an exceptional actor. You’re highly deserving for Baeksang award!”

SM food to go Banner Ad

“Give Lee Seung Gi the best actor award already omg!”

“Damn look at those emotions portrayed in just one episode. He gave us another exceptional performance!!! Now tell me, how am I not gonna get mad that he’s not nominated? You better watch Mouse, you’ll see the best actor performance!”

Sa isang banda, ang episode 15 na ipinalabas noong Huwebes ng gabi sa Korea ay na-delay pala ng 20 minuto lang naman bago umere.

Pero, marami na agad ang nagtaka, naalarma at nagtanong. Kaya naglabas ng official apology statement ang tvN sa ilang minutong pagkaka-delay nito.

10:30 p.m. KST time dapat ang airing nito, pero 10:50 p.m. na umere. Ayon sa official statement na inilabas, “Post-production on Episode 15 of ‘Mouse’ ran late, so the start of the broadcast ended up being later than scheduled. We sincerely apologize for inconveniencing viewers. We will do our utmost to create a good drama up until the last episode.”

Ang recent episode na 14 at 15 ay nag-trending sa Philippines.Sa South Korea ay palaging nasa popular search at Top 1 sa naver.

Leave A Reply

Your email address will not be published.