Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi kaabang-abang bilang rebellious monster

By
20

ONE month since his military discharge, tinotoo talaga ng Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi ang pa­ngako sa fans niya na mapapanood siya palagi.

Wala halos pahinga, nagsimula na siya kaagad ng kanyang comeback drama, ang Hwa­yugi at initial teaser pa lang nito ang ipinalabas kunsaan, pinasilip ang karakter niya bilang si Son Oh Gong, the rebellious monster ay ilang araw halos pinag-usapan at nag-trending sa naver.com.

Sa December 23, 9pm KST ang pilot nito sa tvN at mapapanood sa viki at Netflix online.

Pero, mas lalong natuwa ang fans ni Seung Gi nang kumpirmahin na ang pagbabalik niya sa variety show.

Marami ang nae-excite dahil ka­tulad ng drama, ang SBS’ All of House Master ang comeback niya rin sa variety.

Makakasama niya rito sina Yook Sung Jae, Lee Sang Yoon at Yang Se Hyung. Bibisitahin nila ang bahay ng ilang sikat na Korean celebrities at mag-i-stay sila rito ng 1 night at 2 days.

Ngayong December 4 na raw ang first taping day nito at early 2018 ang airing. Kaya kung pagpasok pa lang ng 2018, si­guradong mapapanood si LSG ng dalawang beses sa kanyang dalawang regular shows tuwing weekend at 2nd week of January naman daw ipapalabas ang ikalawang pelikula niya, ang Goonghap.

Sa loob lang din ng isang buwan, nakagawa na siya ng dalawang CF (endorsement). Ang Brain Study at Leaders cosmetics.

Walang duda na sa hanay ng mga male Hallyu, siya lang yata ang kahit wala pang drama at hindi pa nakikita kung maghi-hit ito, na-tap na agad para sa mga endorsements. With that alone, sinasa­bing ang dalawang taong hiatus niya ay hindi raw nakaapekto sa popularidad nito.

Nagkaroon din kami ng personal na kopya ng kanyang unang magazine cover after his discharge, ang @Star1. Through LSGFan.wordpress translation, Seunggi expressed his desires na mag-rest muna raw sana siya ng three weeks bago magbalik sa kanyang entertainment life.

Plano sana nitong pumunta ng America para kumuha ng skydiving certificate. ‘Yun nga lang, dahil sa dami ng offers sa kanya bago pa man lumabas, hindi na niya nagawa ang plano.

Aniya, “But I’m also happy that folks from many areas have been looking for me.”

When it comes to making a new album, hindi pa masagot ni Seunggi kung kailan niya ito magagawa, pero isa rin ito sa mga gusto niyang gawin ngayong nagbalik na nga siya. Ang huling album pa na nagawa niya ay noong 2015.

Sa interview niya sa @Star1, tinanong din ito kung ano pa ang mga plano niya sa 2018 ngayong malapit nang matapos ang taon.

Ayon sa Triple Threat Star, “There are no special or huge plans. I want to be able to move people and give vitality to a lot of people through activi­ties I can do as an entertainer according to my abilities. Whether it’s through drama, music or variety. I feel it’s an entertainer’s natural duty to provide enjoyment and sentimental feelings.”