Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi kritiko ang sarili

211

December cover ng Singles magazine si Lee Seung Gi.

Inilabas sa soompi.com ang ilan sa naging interview sa singer/host/actor.

At isa sa napag-usapan ay ang magtatapos na niyang K-drama sa Friday at Saturday na “Vagabond”.

Sinabi ni Seung Gi na, “The director told me that I had the right image to portray Cha Dal Gun’s reckless sense of justice and to make the character’s actions believable. In order to meet those expectations, I tried to focus on the emotions of Cha Dal Gun as much as possible.”

Kumpara sa ibang drama na habang ipinapalabas ay kasalukuyan pa lang ang filming, isa rin daw siya sa mga viewer na nanonood kada episodes nito. Sa SBS channel sa Korea at via Netflix naman worldwide.

Pero as perfectionist, habang pinapanood daw niya ang eksena niya ay may mga nakita siyang mas mapapaganda pa niya.

“I’m watching my performance through the eyes of a viewer. There are scenes where I had thought I’ve done a good job, but felt regret after watching them again. These days, things that I believe that are right can change, so I’m trying to consciously be more humble.”

Ayon pa kay Lee Seung Gi, ang biggest driving force niya raw ay ang pride at desire niya na lahat ng gagawin niya ay maibibigay niya ang best niya.

“In a way, it’s my desire to not be overlooked by others, my desire to be complimented, and my desire to prove to the people relying on me that they chose well,” aniya.

Bilang Triple Threat Star, kilala talaga siya as a celebrity who excells in all fields of singing, acting, variety at hosting.

Nang matanong nga sa kanyang future goal, para kay Seung Gi, marami pa raw siyang gustong gawin, pero sa lahat, importante sa kanya ang happiness. “I do feel that I would [like to do more], but because it’s something I want to do forever, rather than wanting to achieve more, I’m happy with where I am. The most precious value in life is happiness. So I don’t dwell on little things and am living my life to the best of my ability, always thinking about what happiness is.”

Sa ngayon ay nasa New Zealand ito para sa filming naman ng bagong episode ng “All The Butlers”.