Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi at Lee Sung Kyung nakakakilig ang tandem

By
2,333

MATAGUMPAY na naidaos ang dalawang araw na 32nd Golden Disc Awards noong January 10 at 11 sa KINTEX Center, Seoul. Ito ang Kpop awards na unang napabalita na sa Pilipinas sana gagawin on the same dates.

Pero, sa kung anumang kadahilanan ay hindi ito natuloy at sa Seoul na nga ginanap. Nagsilbing host sa unang gabi ang Hallyu star na si Lee Seung Gi at ang bida ng Weigthlifting Fairy na si Lee Sung Kyung. Pinuri nang husto ang pagiging host ng dalawa at may ilang fans na nagsabing bagay rin ang mga ito at nag-coin na ng pangalan nila bilang ‘LeeLee’ couple raw.

Ang unang gabi ay para sa digital award. Ang ikalawang gabi naman ay para sa physical album awards na nagsilbing hosts naman sina Sung Si Kyung at Kang So Ra.

Narito ang listahan ng mga Kpop winners sa dalawang gabi ng 32nd Golden Disc Awards:

Best Rock Band – Hyukoh; Best New Artist – Wanna One; Best R&B/Soul – Suran; Best Girl Group – GFRIEND; Best Boy Group – BTOB. Tumanggap naman ng Bonsang award ang BLACKPINK, Heize, Bolbbalgan4, Akdong Musician, TWICE, BIGBANG, WINNER, Yoon Jong Shin, Red Velvet, BTS at ang Grand Prize na Digital Daesang si IU.

At dahil sa panalong ‘yun ni IU, kumain daw ito sa isang Barbeque restaurant sa Seongsudong, Seoul at dahil sa grand prize award, inilibre raw ni IU ang lahat ng nakasabay na kumakain din sa naturang barbeque house.

Sa ikalawang gabi naman para sa physical album, narito ang mga ­winners. Best OST: Ailee — “I Will Go to You like the First Snow” (“Goblin” OST), Genuine Music Popularity Award ang EXO. Ang Twice at EXO ang nanalo ng CeCi Asia, Global Popularity Award: EXO.

Bonsang Award naman sa NU’EST W, MONSTA X, Hwang Chi Yeol, SEVENTEEN, TWICE, GOT7, Taeyeon, Girls’ Generation, EXO, BTS at Super Junior. Grand Prize winner naman ng Daesang Award ang grupong BTS.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Golden Disc Awards ang isa sa pinakamatagal na award giving body sa South Korea.