Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi mag-aalaga ng bata

348

Ngayong araw na ito ang pilot episode ng “Little Forest” sa SBS network.

Pinakabagong variety show ito sa South Korea na sa unang pagkakataon ay mapapanood ng Monday at Tuesday primetime slot.

Ngayon lang mangyayari na ang Lunes at Martes na karaniwang mga drama ang ipinapalabas ay variety show ang mapapanood. Masasabing experimental ito para sa SBS.

It’s a 16 episodes na tatampukan ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi, Korean actor – Lee Seo Jin, comedienne – Park Na Rae at actress na si Jung So Min. Magbubukas sila ng children’s home sa Gangwon Province.

Dumaan sa audition ang mga batang napili na aalagaan ng apat na Korean stars.

Sa artikulong lumabas sa soompi.com, may tatlong bagay raw na aabangan ng lahat sa bagong variety show na ito.

Una, ang Little Forest ay show na ginawa at para sa mga bata. Ipapa-kita rito on how the children can live in a greenery surroundings, farm with animals, clean air at makakapaglaro ang mga bata using their imagination. Sinigurado rin ng production ang safety ng mga bata kaya bago pa man, kumonsulta sila sa child psychologist.

May stand-by doctors din just in case of accident or emergency.

Pangalawa, consi-dered as one of the best assemble ang apat na sina Lee Seung Gi, Lee Seo Jin, Park Na Rae at Jung So Min. Sa teaser pa lang, makikita na paano nag-transform into kid’s chef ang kilalang seryoso na si Lee Seo Jin. Energizer naman si Park Na Rae. Both Jung So Min and Lee Seung Gi as the kid’s favorite.

Sa part daw ni Seung Gi, perfect caretaker raw ito at halos ayaw iwanan ng mga bata dahil gusto pang makipaglaro sa kanya.

Pangatlo, maipapakita raw ang kaibahan ng mga bata at paglaki. Dahil maisu-showcase rito kung gaano ka-importante ang nature sa kanilang growing-up.

Ayon din sa Producing Director na si Kim Jung Wook. “I thought about what kids need in their development, and the answer always came back to nature. We created the show because we wanted to create a good influence for kids. Viewers will be able to watch the kids grow.”

Ngayong gabi, 10 p.m. KST ito magsisimula mapanood. Sa part.
ni Seunggi, simula pa kahapon, Sunday ay tatlong beses na siyang mapapanood sa SBS. Master in the House at Little Forest from Monday to Tuesday.