Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi muntik mag-quit bilang singer

By
2,177

Halatang marami ang nagulat sa naging rebelasyon ng Triple Threat star at National Producer Representative (emcee) ng bagong reality survi­val show na Produce 48 ng Mnet na si Lee Seung Gi. Sa latest episode ng show na ipinalabas noong Biyernes, July 13 ay meron siyang inamin.

Nagkaroon ng speaking session si Seung Gi sa mga contestant, ang mga future girl group na magde-debut sa Korea.
Ibinahagi niya rito na after niyang mag-debut sa edad na 19, naranasan niya ang biglang pagsikat agad. Pero sa kabila nito, inisip niyang mag-quit na bilang isang singer.

Ayon kay Seung Gi, “Because You’re My Girl (debut song niya) I received a lot of love as soon as I debuted.
“I had a very successful debut and it was a period when I had the most potential, but I told the president of my agency, ‘I want to quit being a celebrity.

“People say expressions like, ‘He who is to be king must bear the weight of the crown.’ I think that this crown is made up of the public’s expectations. At the time, even the smallest crown that was placed on my head by the people who loved me was too heavy, and I wanted to run away. So I packed my things from the dormitory and went home.”
Kinuwento pa niya na sinubukan din daw niyang maghanap ng ibang work. Pero na-realize niya na masaya siyang talaga sa pagkanta. Ito ay sa kabila ng graduate siya ng college with honors at nagpatuloy pa ng dalawang masteral degree.

Sabi pa ni Seung Gi, “I was the happiest when I was singing.”

Dahil sa mga ibinahagi ng actor/singer/host, hindi napigilan ng mga contestant na ma­ging emosyonal. Ang iba sa kanila ay naluha talaga. Parang naka-empathize ang mga ito sa kanilang mentor tungkol sa pagkanta na hindi siya madali, pero at the same time, ito ang bagay na nakakapagpasaya naman.

Ika-5th episode na ng Produce 48 at nagkaroon na rin ng ­unang elimination. Walang duda na gusto ng mga viewer tuwing nagbabahagi si Seung Gi ng ilang word of wisdom niya. Bukod sa lu­malabas agad ito sa halos lahat ng Korean entertainment­ news, nagta-top ­trending din ang pangalan niya sa mga real-time search tulad ng naver.