Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi nag-iba ang type sa babae

By
232
 
tonite-annyeong-rose-garciaBukod sa mataas na rating na naitala ng guesting ng South Korea’s Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa variety show ng SBS na “Mom’s Diary” noong Linggo, pinag-usapan din ang mga candid na pagtatanong sa kanya ng apat na Mommy sa show.
Halos ma-overwhelm ang actor/singer/host sa mga narinig na papuri mula sa apat na mommy ng show tulad ng Mommy ng Korean singer na si Tony An, tinawag agad nitong “my youngest son” at “handsome” si Seunggi. Pinapanood daw niya nang walang palya ang dating drama nito na “Shining Inheritance”.
Sinubaybayan din ng mga mommy na ito ang variety show ni Seunggi sa SBS na “Master in the House”.
Na-hot seat si Lee Seung Gi ng mga Mommy nang sabihan ito na may nakitang news daw na he’s ­dating. Nagulat ang Hallyu star at natatawang itinanggi. At saka biniro ang Mommy at tinanong kung taga-­Dispatch daw ba ito.
Ang Dispatch ang isa sa leading news site sa Korea. Ito ang nakadiskubre noong dating pa si Seung Gi at ang center ng Girls Generation na si Yoona.
Pero tinanong si Seunggi kung ano nga ba ang ­ideal type of girl nito. Dahilan para pag-usapan talaga ang naging sagot niya, lalo na nang sabihin niya na nag-iba na ang hinahanap niya ngayon sa isang babae.
Ayon kay Seung Gi, “In the past, I was specific about the person’s appearance or personality. But now, I don’t have those kinds of things. I want someone I can talk to, and someone who makes my heart flutter while also making me feel stable.”
Pinayuhan naman si Seunggi (31 years old) ng Mommy ni Tony An na kung may makikita raw itong babae na hinahanap niya, pakasalan na.
Sinabi rin ni Seung Gi na gusto niyang makilala ang espesyal na babaeng ito na puwedeng makasama niya and they can be together even without doing anything.  Kumbaga, he would want to meet someone na hindi na niya kailangang magpa-­impress, pero masaya sila just by ­being together.
Sunod-sunod naman ang naging discussion at comments ng mga fan sa ­naging pahayag na ito ni Lee Seung Gi sa kanyang ideal type na babae.
At kahit na 2014 pa ang balitang nag-break na sina Seung Gi at Yoona at wala rin namang pagkakataon na nakita pa silang magkasama hanggang ngayon, may mga fan na shipper pa rin ng YoonGi o nina Yoona at Seung Gi at nagsasabing ang dalawa pa rin ang magkarelasyon.
Pero dahil sa mga naging sagot na ito ni Seung Gi na nag-iba na ang hinahanap niya sa babae, komento ng isang Korean netizen, “When asked about his ideal type, Lee Seung Gi answered, “In the past, I was specific about the person’s appearance or personality. But now, I don’t have those kinds of things.”
“So yeah say goodbye to those persistent Yoona-­Seunggi that ship has sunk way past Titanic.”
Sabi naman ng isa pang fan, “I can never understand people who still ghost ship them. They are defi­nitely over years ago. Why can’t just people wish him to be happy instead of shipping him again with someone who hurt him?”
Anyway, bukod tanging si Seung Gi nga lang ang makakapagsabi kung talagang loveless nga siya although, seeing him since his discharge, talagang puro trabaho naman ­talaga ang pinagkakaabalahan niya.
Tulad ngayong araw na ito, napapanood pa rin si Seunggi sa Sunday variety show niya na ‘Master in the House’.
Pati na rin ang second and finale episode na guesting niya sa Mom’s Diary ngayong Linggo rin. At bukas, Lunes, ay mapapanood naman ang English subbed sa VIU.
Balita rin na buong buwan daw ng October ay nasa Portugal na ito kasama ang leading lady na si Bae Suzy. Para ito sa K-drama na Vagabond.
Pero dito sa bansa, nakatutok pa rin ang mga sumusubaybay ng kanyang fantasy/romance drama na “Hwayugi” sa ABS-CBN  na nasa dalawang huling Linggo na lang.