Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi nagpasalamat sa suporta ng mga fan sa ‘Pinas

464

Inaabangan ang araw na ito ng mga tagahanga nina Lee Seung Gi at Bae Suzy.

Pagkatapos ng mahigit isang taong paghihintay, mapapanood na nga worldwide ang maituturing na isa sa pinakamalaking Korean drama ng taon, ang “Vagabond”.

Pinaghalo-halong intense action, drama and suspense ito na iikot sa kuwento ng isang stuntman na si Cha Dal Gun (played by Lee Seung Gi). Aksidenteng nadiskubre ang isang massive corruption scandal habang inaalam ang nangyari sa plane crash na nasawi ang kanyang pamangkin. He ends up investigating the case alongside National Intelligence Service (NIS) agent, Go Hae Ri (played by Suzy).

Sa South Korea ay mapapanood lang ito tuwing Biyernes at Sabado ng gabi tuwing 10:00 p.m. K.S.T. sa SBS channel. Kung totoo ang balita na after an hour, mapapanood na worldwide through Netflix.

May ilang press mula sa iba’t ibang bansa rin ang naimbitahan ng Netflix para ma-interview ang dalawang main cast. Halos papuri rin ang mga narinig at nabasa naming sinulat nila. Sobrang ganda rin daw ng pilot ng “Vagabond”. Kakaiba sa mga K-drama na napapanood na.

Tinanong naman sa ginanap na press conference ang Triple Threat Star na si Seung Gi kung may nararamdaman ba itong pressure ngayong ipalalabas na nga ang “Vagabond”. Sa rumor budget pa lang kasi ng drama, which is 25 billion won (approximately $21.1 million) puwede ng makaramdam ng pressure ang kahit sinong aktor na bida ng drama. Bukod pa sa ang daming nag-i-expect na magtatala ito ng napakataas na ratings.

Confident naman si Lee Seung Gi na bukod sa personal knowledge acquired niya being part of Special Forces in military, nag-undergo pa siya ng two months training sa action school.

Sabi nga niya, “The producers prepared so perfectly that I didn’t feel any pressure. Because they filmed in a way that didn’t disrupt the drama and was more fun than the script, I never felt burdened. It was a place where I could safely focus on my acting.”

“I think this character is the most manly out of anyone I’ve played. Usually, in action movies, the main character is someone who has received special training. However, Vagabond is about a regular person who stumbles on a conspiracy after his beloved nephew dies. Because of that, I tried to put more emotion into my action scenes than you would see in typical films in the genre,” may pagmalalaking pahayag niya.

Ano naman ang puwedeng i-expect kay Seung Gi sa magiging fan meeting niya sa October 12 , KIA Theater through CDM Entertainment?

Aniya, “I had some chances to go to the Philippines before but it was not exactly meant to be the chance to actually visit. But for the first time, I’m going to visit the Philippines in October, and I have a huge expectation for that. There’s a lof of support that I get from the Philippines fans when I’m in Korea so I would like to thank them from the bottom of my heart.”