Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi napasabak sa action school

311

Tumanggap ng mga papuri ang South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa huling episode ng Master in the House.

Sa action school sa Paju ang location. Pinuntahan niya ang recent master nila na si Jung Doo Hong. Siya ay isang stuntman/action director na nakasama rin ng Korean actor na si Lee Byung Hun sa ilang Hollywood movies gaya ng “The Good, The Bad & The Weird,” “G.I. Joe” at “Red 2.”

Naranasan ng cast member ng MITH na sina ni Lee Seung Gi, Lee Sang Yoon, Yang Se Hyeong at Yook Sungjae ang training na ibinibigay ni Jung Doo Hong sa kanyang action school.

Sey ni Jung Doo Hong, “This is the only action school in the world that provides this kind ofNstructured action training.

“It’s no fun to watch nimble people like yourselves doing Ma Dong Seok-style action. I’ll teach you based on your individual styles.”

Napasabak sa ilang trials ang apat na mi-yembro. Kabilang na rito ang pagtalon sa sinet-up na wall gamit ang trampoline. Dito pa lang, napahanga na ni Seung Gi ang kanilang master sa napaka-smooth na pagtalon niya. Nagkaroon din ng fighting scene.

Maraming bumilib sa ipinakitang husay ni Seung Gi sa sword fighting .

Pinuri siya. “You’re the best.” Muli na namang bumilib ang youngest member ng M.I.T.H. kay Seunggi nang sabihin nitong, “You really were like a role model.”

Dahil sa episode na ito ng Master in the House, mas lalong marami ang nasabik sa bagong drama ni Seung Gi na “Vagabond” May isang taon na ang filming. Balitang sa September magpa-pilot ito sa SBS network at Netflix.

Sa isang banda, ang episode last Sunday ay nagtala ng panalong rating ng show. At ang eksena raw ni Seunggi ang pinakamataas ang rating. Ang tawag nila rito ay highest one mi-nute sa Nielsen Korea.