Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi ‘Nation’s Husband’ sa edad 40

By
3,497

Sa ikalawang pagkakataon, naranasan namin na maka-attend ng fan meeting ng Hallyu at South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi.

Ginanap noong July 7 sa Zepp @ BigBox sa Jurong East, Singapore ang ika-apat na fan meeting ni Seunggi. Katulad nang una na­ming experience sa Bangkok, Thailand, sobrang sulit ang umattend ng fan meeting niya.

Napaka-natural at mararamdaman ang sincerity sa pakikitungo sa mga tagahanga niya na kung tawagin niya mismo ay Airen. Ang ibig sabihin sa Chinese, ‘The One I Love.’

Highlight pa rin ang game na ang mga memorable scenes niya sa Hwayugi, A Korean Odyssey (pilot ngayong gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng Since I Found You) ang nire-enact niya kasama ang tatlong fan na napili. Isa sa mga ito ay lalaki na sinamahan daw ang girlfriend na fan ni Seunggi. Kakatuwa ang actor/singer/host dahil makikita mo kung gaano siya kasaya makipaglaro to the point na siya na mismo ang tila nagho-host. Benta sa fan yung lalaki na ang blanket scene ang ginawa nila.

Six years ago, nagkaroon ng fan meeting sa Singapore si Seungi. Nasorpresa siya noon na nag-propose du­ring his fan meeting ang isang Singapore Airen. Nagulat si Seunggi na nanood muli ang mga ito.Pinaakyat niya sa stage ang mag-asawa na may 2 taong gulang na anak na. Nalaman ni Seunggi dahil sa ginawang vi­deo ng Singapore Airen para sa kanya.

Masaya ito para sa dalawa na happily married na raw at may anak na.

Kilala si SeungGi sa tawag na ‘Nation’s Brother’ sa Korea. Pero nagbiro itong gusto raw niya ngayong 30’s na siya ay Nation’s Boyfriend na itawag sa kanya. Pero binawi rin na siguro raw at 40’s pwede na siyang tawaging Nation’s Husband.

Maraming tanong din ang game na sinagot ni Seunggi sa fan meeting. Kabilang na rito ang bago niyang drama na sinu-shoot, ang Vagabond. Sinabi niyang different Lee Seung Gi ang mapapanood sa kanya na kada-scene raw ay kaabang-abang. Nakatakda itong ipalabas next year.