Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi pinagkakamalang suplado

By
2,828

MAITUTURING na pinakasikat sa hanay ng mga South Korean star si Lee Seung Gi, pero sa recent interview niya, natatawang sinabi nito na wala pa raw female celebrity na nagtapat sa kanya na gusto siya o may gusto sa kanya.

Ayon kay Seunggi, “Female celebrities have never asked me out. No one ever told me they’re interested in me. So it amazes me when I hear stories about people who received confessions.

“Why don’t I get any? I don’t know the reason either.”

Si Seunggi na rin ang nakaisip ng posibleng dahilan, baka raw hindi siya approachable.

Ang mga babaeng tagahanga naman niya ang nag-react sa rebelasyon niyang ito na tila hindi makapaniwala. Halos lahat nagko-comment at nag-post kung hindi raw ba alam ng Superstar na mahal nila ito ng may ilang taon na.

Nakuha pang magbiro ni Seunggi kaya nagtawanan nu’ng ini-interview siya para pa rin sa promotion ng box-office movie niya ngayon na Goonghap.

Aniya, “I must be hard to approach. I think I need to make some room. Maybe I should walk around with my phone number on my chest.”

Kahit sobrang busy simula nang ma-discharge siya sa military, open naman daw siya sakali at may makilala siya na puwede niyang maka-date.

“If I develop feelings and find someone, then I can fall in love. But I think I’m focusing more on work. It’s not that I’m like, ‘No dating, only work’ but my energy is geared more towards more nowadays.”

Mukha ngang sa halip na lovelife ang harapin ni Seunggi, mas gusto nitong bumawi sa kanyang mga fan, na tinatawag niyang “Airen” which means, “I love” in Chinese. Dahil dalawang­ taon siyang nawala, gusto niyang punan ang ang naging paghihintay sa kanya.

Isa raw sa gusto niyang gawin ay makagawa ng album at kung may junior siyang gustong makasama, ang mabilis na isinagot ni Seunggi ay ang sikat na singer/actress na sj IU (by the way, kamakailan lang ay nagpadala si Seunggi ng food truck sa taping ng bago nitong drama sa tvN).

“Personally, I want to work with IU. I like her sensitivity­ as an artist. I’d like her to write lyrics for me in the future.”
Hmmm…‘di kaya?