Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Seung Gi ready na sa bagong album

0 140

Naging isang malaking sopresa ang nilalaman ng letter ng South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi .

Ang mahabang letter ni Seunggi ay exclusive lang talaga na mga Airens (tawag niya sa kanyang mga tagahanga) ang puwedeng makabasa. Hindi rin ito puwedeng i-lift o kopyahin para mai-post sa iba’t-ibang social media accounts.

Sa official homepage niya na Leeseunggi.com lang ito makikita at mababasa. But as expected, nag-leak din ang pinaka-importanteng nilalaman ng sulat. Bukod sa hindi rin mapigilan ang mga fan na mag-post sa sobrang saya at excitement.

Sa Instagram post niya na black and white photo ay may nakasulat na “Thanks for Airen. 2020 Nov.” Tila tracklist style ito at pahiwatig na na magri-release na siya ng album.

Sa inilabas na news ng insight korean news, nakasaad rito na “Singer Lee Seung Gi is finally returning to his original career & releasing an album after four years.” Ngayong winter nga raw ang comeback album ni Seunggi at dahil sa pagkakabanggit niya ng winter, may mga debate na sa social media kung ano nga talaga ang buwan ng winter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kagustuhan na mai-release na ang album ng mga fan, umaasa na ang iba na ngayong November na ito dahil winter na raw. May nagsasabi naman na December, January at February ang talagang winter season sa Korea.

Ang sigurado, marami ang natutuwa sa pagbabalik na ito ni Seunggi sa music. Aware naman siya ever since na wish ng mga fan na magkaroon siya ng bagong album.

Mukhang naging malaking motivation sa actor/singer/host/entertainer ang mainit na response ng mga netizen sa naging “Forbidden Love” performance niya sa Master in the House.Ang daming pumuri rito at umabot na sa 7 million ang views.

Last year, tinanong din si Seunggi kung bakit hindi pa siya nagri-release ng bagong album.

Aniya, “The reason why I didn’t make a comeback as a singer is because of my neck. Maybe it’s because I screamed so much in the army, but my throat condition got worse. And in 2019, I had such busy schedules that I couldn’t work on an album with this condition. But I can say that when things get sorted out, I will be ready to start.”

Pero this time, mukhang ready na ready na nga ito. Kasabay rin nito, ang bago niyang singing reality show, ang “Sing Again” ngayong November.Siya ang host at ang kasalukuyan niyang ginagawang drama under tvN, ang “Mouse” na posibleng umere sa January 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.