Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Seung Gi top 1 ang bagong kanta sa iTunes PH

0 304

Nag-Top 1 sa mga music charts, nag-trending at pinag-uusapan ang pre-release song ni Lee Seung Gi simula nang i-launch niya ang comeback song na “The Ordinary Man” noong November 15, 6 p.m. KST.

Ang naturang kanta ay makakasama sa 7th album niya na ire-release sa December.

Pagkalabas na pagkalabas ng kanta, nag-Top 1 na ito agad sa Bugs at Genie music charts. At makalipas lang ang apat na oras, pumasok na ito sa Top 100 sa largest music chart sa Korea, ang Melon at pumuwesto na sa Top 10 sa loob ng isang araw.

Trending din ito sa Naver Vibe at FLO.

Kasabay rin ng release ng The Ordinary Man ay ang episode ng kanyang variety show na All The Butlers.Si Lee Seung Gi ang naging Master o Sabu. Ito ang highest rating ng show recorded at 8.1% .Sa unang pagkakataon ay napanood siyang inawit ang kanta ng live. Sumampa rin agad ng 500 thousand views ang naturang performance sa You Tube channel ng SBS.

Bukod dito, sa loob ng ilang araw, ang keywords na “Lee Seung Gi” at “The Ordinary Man” ay nagti-trending sa iba’t-ibang online sites.

At dahil available na rin sa iba’t-ibang online stores/apps tulad ng Spotify, Apples Music at iTunes, hindi na lang sa South Korea ito nagta-top. Sa iTunes, isa ang bansang Pilipinas na nag-Top 1 ang The Ordinary Man pagka-release pa lang nito. Nag-Top 1 din ito sa Singapore. Top 4 naman sa Brunei, Top 8 sa Indonesia at gayundin sa iba pang bansa tulad ng Malaysia, Israel, Thailand at Turkey.

Isang malaking tagumpay nga ang pagbabalik ng Triple Threat Star sa kanyang unang “job,” ang pagiging singer. Umabot din ng limang taon bago muling pinagbigyan ni Lee Seung Gi ang kahilingan ng kanyang mga tagahanga na muli itong mag-release ng album.

Hindi napigilan ni Seung Gi ang kanyang luha nang magpasalamat ito sa kanyang mga fan. Kung paano raw sa loob ng 17 taon, sinusuportahan at hindi siya iniiwan.

Base sa naging english translation ng isang Airen sa kanyang live message, “Airen fans, thank you so much. There were so many good days as an entertainer but when I was exhausted, I was able to get to this point because of you. I’m not sure if I’m doing a good job or did a good job to get here but I’m thankful and it’s because of you fans.

“Because of you Airens, I have the strength to be an entertainer, to be here today. I don’t know why I’m crying before your now as a singer. I’m just feeling so overwhelmed. All the years with you all supporting me, I’m so thankful. I’ll continue to work hard.”

At this point, bumalik na naman si Lee Seung Gi sa panahon na lahat ng areas ng career niya ay nag-e-excel siya. Singing, variety (All The Butlers), hosting (Sing Again) at ang kasulukuyan niyang sinu-shoot na drama in terms of acting, ang Mouse na ipalalabas pagpasok ng 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.