Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee Seung Gi trending ang ‘Forbidden Love’

0 468

Mag-iisang Linggo na simula nang mapanood ang performance ng Triple Threat Star sa variety show niya na All The Butlers. Pero hanggang ngayon, trending pa rin ito sa Naver Korea.

Ang naturang performance ay bahagi ng challenge ng members mula sa kanilang master.

As much as possible, kapag nasa variety show si Seung Gi, kahit nire-require silang maging competitive tulad sa singing, mas pinaiiral nito ang pagiging variety man once in a variety show. Pero sa pagkakataong ito, ipinamalas ni Seung Gi ang kakaibang talento at galing niya sa pag-awit. Ang mission nila is to performed hit songs from 1999 at ang napili niya ay ang rock song na “Forbidden Love.”

After na maipalabas sa South Korea noong Linggo ng gabi ang All The Butlers, iba’t-ibang music critics ang naglabas ng review. Halos lahat sa mga ito, puro papuri sa singer/actor/host/variety man. May naglabas pa at nagpakita na hindi lang one octave, kung hindi three octave raw ang nagawa nito sa kantang Forbidden Love.

Nag-trending at nag-number one rin sa Naver noong Linggo hanggang kinabukasan ang naturang performance. And as of this writing, still trending. Nasa Top trending din sa Melon realtime search.

Matagal na ang clamor sa kanya na mag-release na ng bagong album. Six years ago pa yata nang huli itong maglabas ng album.

Tingin ng ilang fans, baka raw kinakabahan pa si Lee Seung Gi na na hindi na maging kasing init ang pagtanggap as compared years ago sa mga past album niya.

Pero kung pagbabasehan ‘yung every singing performance niya sa variety show na nga lang na nagti-trending at pinag-uusapan, what more pa raw kung comeback album na nga niya.

Ang uploaded clip din na Forbidden Love performance niya ng SBS network ay umabot na sa 2 million views. At ang ibang network ay bigla rin naglabas ng mga past performance ni Seung Gi na tila nakikisabay sa pagti-trending nito ngayon.

Maraming mga non-fan ang nagulat at hindi akalain na singer at napakagaling daw pala nito. Maging ang mga male Korean ay napa-comment.

“Even in man’s eyes, you’re so cool.” “If someone can sings this good, he should look super ugly to make if fair. God is unfair, he gave everything to Seunggi. Talent, looks, skills, intelligence.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.