Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi trending ang surprise visit

By
277

Muli na namang nag-trending ang South Korean actor/singer/host na si Lee Seung Gi sa Naver TV as number 1 video. Ito ay sa episode ng survival show ng Mnet na “Produce 48” noong Biyernes nang gabi. Siya ang tumatayong host at National Producer Representative.

Nag-surprise visit siya sa dorm ng natitirang 30 trainees habang nagpa-practice ang mga ito. Impromptu ang pagbibigay niya ng advice at pagpapalakas ng loob sa mga ito.

Maraming netizens at mga viewers ng “Produce 48” internationally ang napapahanga lalo ng Hallyu star dahil sa wisdom nito na masasabing galing na rin sa kanyang 14 successful years of experiences in the three genres in the industry.

Sinabi ni Seung Gi sa surprise visit niya na kaya siya dumating ay para suportahan at i-encourage ang mga ito. Puwede rin siyang tanungin kung meron man silang gustong malaman at i-share sa kanya.

Ilan sa mga nagtanong kay Seung Gi ay si Goto Moe na from top ranks, biglang bumaba ang ­ranking niya sa last elimination. Tinanong nga niya kung naka-experience rin daw ng ganito si Seung Gi sa kanyang career. Tila nahiya naman ang Triple Threat Star na bago pa man niya masagot ang tanong, ang ibang trainees ang biglang nag-react at nagsabing never pa raw nangyari ‘yun.

Ayon kay Seung Gi, “That’s a very natural way to feel. I think people will think it’s beautiful if they see someone who’s decided to do their best until the end.

“Also, they say that rough waters create an expert sailor. Once you get through this, you’ll probably find that you’ve become stronger on the inside.”

Ginawa rin niyang comparison ang paglalaro ng soccer na ang isang player ay kailangang ibigay ang best niya even up to the last 10 minutes.

Bukod dito, si Seung Gi naman ang nagtanong sa girls kung concious daw ito sa mga nakikita nilang online votes nila. Pati mga comment sa kanila at kung nagpapaapekto sila na hindi raw dapat.

Aniya, “Checking them is good. Just look at them and enjoy.”

Still, one of the most busiest Korean stars pa rin si Seung Gi even after 10 months na mapasok siya sa military. Sabay-sabay niyang ginagawa ang “Produce 48”, variety show na “Jibsabu” at ang pre-produced drama na “Vagabond”.

Sa Pilipinas, isa sa top rater ng ABS-CBN ang kanyang recent K-drama na ‘“Hwayugi” na napapanood tuwing 10 pm mula Lunes hanggang Biyernes.