Abante Tonite Interactive

Lee Seung Gi: Walang iwanan

By
4,595

Narito ang karugtong ng aming coverage sa fan meeting ni Lee Seung Gi sa Singapore.

Ipinakita ni Seunggi ang talent niya sa paggawa ng kape, partikular ang Cafe Americano na may isang mapalad na fan na nakapag-uwi nito.

Fan meeting pa lang, pero parang mini-concert na rin niya. Tila mas mahusay pa siya ngayong mag-perform nang kantahin niya nang live ang apat na hits niya, ang ‘You’re My Woman’, ‘Unfinished Story’, ‘Smile Boy’ at naging encore niya ang ‘Let’s Go on Vacation’.

Halos lahat ng fan na um-attend ng FM ay masayang-masaya. Ilan sa mga narinig naming pare-parehong mga komento, “He’s so kind!, He’s so handsome! He’s younger looking!” At, “He’s a great singer!”

Nag-express ng pasasa­lamat si Seunggi sa mga Singaporean Airen at nangako na babalik muli next year kaya tuwang-tuwa ang mga ito. Pinasalamatan ni Seunggi ang mga ito dahil sa dalawang taon niya sa military, isa ang SG Airen sa hindi nakalimot. Nagpapadala raw sila ng masasarap na pagkain habang nasa military siya.

Kaya naman ayon dito, talagang isa sa mga gusto niyang mangyari ay ma-meet ang mga fan niya pag­labas na paglabas niya. At tinupad nga niya ito sa mga fan meeting niya sa iba’t ibang bansa.

May ginawang letter si Seunggi para sa mga fan na ipinakita sa screen. Nakasaad dito, “Hi I am Lee Seung Gi. Did you all have a good time? I am sincerely hope that everyone who came here have fun and unforgettable memories in a happy mood. I have been waiting for this moment today, for a long time. Thank you all for supporting me and loving me as ever even there’s two years gaps because of joining the army.

“Because there is you, there is me! Now, I fulfilled military duty, let’s not get separated and see each other more often from now on. Actually, I’d like to say the words that if there’s any better word, but I cannot find the right word to express my mind. Thank you, thank you and I love you. I hope you only have full of happiness all the time. And I promised I will work even harder.

“Everyone, stay healthy and let’s meet each other more often so like this! From your artist, Lee Seung Gi.”

Pagkatapos ng fan meeting­, nabigyan ng pagkakataon ang mga fan niya sa VIP seats na maka-hi touch siya at dito namin lalong nakita ang kaibahan niya sa iba. Parang hindi siya isa sa pinakasikat na artista sa Korea kung paano niya isa-isang makipag-interact sa mga fan with his humility na sa loob ng 14 na taon ay hindi nagbabago.

Bilang isa sa mga tagahanga ng Hallyu Star, maituturing namin na ang ikalawang pagkakataon na ito na ma-experience siya ng live at up-close ay mananatiling magandang memory.

Anyway, mapapanood na ngayon ang K-drama ni Seunggi na ‘Hwayugi, A Korean Odyssey’ sa ABS-CBN pagkatapos ng ‘Since I Found You’.