Abante Tonite Interactive

‘Lee-thal Weapon’ Player of the Week

917

Matindi pa rin ang kamandag ni Paul Lee, pinakamaangas sa Magnolia nitong nagdaang linggo nang ihatid ang Pambansang Manok Hotshots sa back-to-back wins sa PBA Commissioner’s Cup.

Nag-poste ang 29-anyos na combo guard ng averages na 18.5 points, 7 assists, 2.5 rebounds at 1.0 steal sa panalo ng Hotshots sa Columbian Dyip at Meralco.

Papasok ng All-Star break, solo ng Magnolia ang No. 4 spot sa 3-1 baraha.

Abante Hiring – IT dep

Noong Miyerkoles, pinatirik ng Hotshots ang Dyip 126-101 sa likod ng 17 points, 8 assists at 2 rebounds ni Lee.

Makalipas ang dalawang araw, balik ang ‘Leethal Weapon’ para magsumite ng 20 points mula sa apat na 3-pointers, six assists at three rebounds nang ungusan ang Bolts 81-79.

Napreserba ang panalo sa dalawang free throws ni Vernon Macklin sa dulo. Huling laro iyon ng import bago pumuntang China.

Sa mga numerong iyon, iginawad kay Lee ang PBA Press Corps Player of the Week citation para sa (May 14-20).

Naungusan ng ‘Angas ng Tondo’ sa award sina teammate Mark Barroca, Vic Manuel ng Alaska, Ryan Reyes ng TNT, Chris Tiu ng Rain or Shine, at sina Jeff Chan at Matthew Wright ng Phoenix.

Balik ang Hotshots sa June 2 para hamunin ang league-leading Rain or Shine (5-1) sa Smart Araneta Coliseum. (Vladi Eduarte)