Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lee ‘tutumbukin’ si kumander

0 212

UMIRAL na naman ang pagiging pilyo ni Magnolia Hotshots guard Paul Lee sa social media.

Hindi maiwasan ni Lee na haluan ng harot ang kanyang mga post kapag kasama nito ang kanyang misis na si Rubie.

Sa Instagram post nito, makikita ang mag-asawa at ang kanilang anak na si Tokyo na nag-eenjoy sa isang resort sa Bulacan na pag-aari ni coach Chito Victolero.

Mayroon ding larawan kung saan inaalalayan niya sa pagtumbok ng bola sa pagbibilyar ang kumander niya.

Humamig ng maraming likes ang post ni Lee kung saan humirit ito ng, “corner pocket ka sakin later.”

Nagbibilyar ang dalawa sa larawan kung saan nasa likod si Lee ng kanyang misis habang nakaporma ito na titira.

Ang misis ni Lee na si Rubie ay napa-komento rin sa post nito, “ang bilis nya tlga basta kalokohan post e.” (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.