Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Leeg sumabit sa lubid, tigok

0 277

HALOS humiwalay ang ulo sa kanyang katawan ang isang lalaking nakamotor matapos sumabit ang kanyang leeg sa lubid ng saranggola habang tinatahak ang diversion road ng Barangay Cabalangegan, Vigan City, Ilocos Sur noong Linggo.

Ang biktimang patay noon din ay si Benedict Tipon Paiste, 36, may asawa, electrician, ng Barangay An-annam, Bantay ng nasabing lalawigan.

Nagpapagaling naman sa ospital ang back ride ng biktima na si Reynante Pugal.

Sa report ng Vigan City Police Station (VCPS), tinatahak ni Paiste kasama si Pugal ang kahabaan ng Barangay Cabalangegan nang matumba ang motorsiklong kanilang sinasakyan.

Sa pagsisiyasat, ayon sa VCPS, napag-alamang halos humiwalay ang ulo ni Paiste dahil sa matinding pagkasabit nito sa lubid sa saranggola ng isang 27-anyos na hindi muna pinangalanan, na sinampahan na ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.