Abante Tonite Interactive

Leeteuk balik-trabaho agad

By
204

tonite-annyeong-rose-garcia

Maituturing na major operation din ang ginawa sa isa sa mga leader ng kilalang South Korean boy band na Super Junior na si Leeteuk.

Nagkaroon ito ng emergency surgery sa kanyang gall bladder. Tinanggal na ito dahil sa nakitang pamamaga
Nangyari ang emergency surgery sa kanya isang linggo bago ang SM Town concert nila sa Osaka, Japan.

Hindi na nakapag-perform dito ang singer.

Pero halos dalawang linggo lang simula nang maoperahan, balik work agad si Leeteuk.

Nagpunta siya sa Thailand kasama ang Super Junior para sa kanilang concert.

Bago umalis papuntang Thailand noong July 4, nag-post ng maikling letter sa kanyang Instagram account si Leeteuk.
Nagpasalamat siya sa mga nag-alala sa kalagayan niya. Sinigurado niyang okay na siya.

Aniya, “I want to say thank you and apologize once again for worrying many people.

I’ll take better care of my body and pay particular attention to my health.

Once again, thank you and I’m sorry.”

Sinundan pa niya ito ng mga hashtags na “Gall bladder removal surgery,” “Pain for a year,” “A guy without a gall bladder,” “Catching up with my schedule,” “Will it be okay,” “This evening,” and “On the way to Thailand.”

Last June, ang Super Junior ay nagkaroon ng sold-out concert sa bansa sa MOA Arena.